Pagod ka na ba?

Pagod ka na ba magbasa at makinig sa mga balita?

Pagod ka na ba sumama sa mga rally at people power?

Pagod ka na ba mag rehistro at bomoto sa eleksyon?

Pagod ka na ba sa mga political statements sa Multiply, Facebook at sa blogs?

Pagod ka na ba pag usapan ang pulitika at ang ating gobyerno?

Pagod ka na ba makialam, makimasid at makibahagi?

Seguro nga pagod ka na. At alam nila yun. Kaya malakas ang loob nila na patuloy tayong gaguhin, lokohin, babuyin, pagnakawan, pagsamantalahan at lahat lahat na.

Pero isipin mo, saan na lang kayo tayo ngayon kung sila napagod din?

Paano na lang kaya kung napagod si Rizal magsulat ng mga nobela. Kung napagod si Ninoy bumalik sa Pilipinas. Kung napagod si Aguinaldo, Bonifacio, Silang, Jacinto, Melchora Aquino, at lahat ng mga katipunero at Pilipinong lumaban para sa ating kalayaan?

Paano na lang kaya kung lahat ng guro ay mapagod din sa kakaturo, kung ang nakikita lang din naman ng mga kabataan ay puro kasinungalingan at pagnanakaw?

Paano kaya kung mapagod ang lahat ng mga sundalo (di kasama ang mga kurakot na heneral) na ipaglaban ang kapayapaan, kung sila'y gagamitin lamang para mapanatili ang isang pekeng pinuno?

Saan kaya tayo ngayon?


Pagod ka na ba?

Patuloy na umiibig sa Pilipinas,
At naniniwala sa galing ng Pilipino,


Froilan Grate | GreenMinds
www.NoBystanders.blogspot.com

No comments

Leave a Reply

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

My Facebook Pages