Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.
Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.


